Contents
BY DELIA CUARESMAHindi na nagpaligoy-ligoy pa ang aktor na si Zanjoe Marudo nang tahasang nitong sabihin na walang namamagitan sa kanila ni Angelica Panganiban.Ito ay sa kabila ng tsismis na diumano’y nagkakamabutihan na sila.Sey ni Zanjoe, nagulat daw siya sa tsismis na unang kumalat sa social media.Patanong niyang sinabi: “Puwede ba yun? Puwede bang gawin yun? Di ka ba madedemanda sa ganun? Nag-iimbento ka ng kung mga anu-anong palabas?”In any case, diniin niya: “Para sa mga umaasa at mga naniniwala, lilinawin ko na po. Wala pong katotohanan ’yun. Mabuti po talaga kaming magkaibigan nung tao.”Bagama’t matagal nang magkaibigan, never na-fall sa isa’t-isa si Zanjoe at si Angelica.Ayon nga sa balita ay nonshowbiz guy ang jowa ngayon ng seksing si Angelica. Si Zanjoe ay single. Kakahiwalay lang nila ng girlfriend na si Josie Prendergast.‘Yun na!
BY DELIA CUARESMA
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang aktor na si Zanjoe Marudo nang tahasang nitong sabihin na walang namamagitan sa kanila ni Angelica Panganiban.
Ito ay sa kabila ng tsismis na diumano’y nagkakamabutihan na sila.
Sey ni Zanjoe, nagulat daw siya sa tsismis na unang kumalat sa social media.
