Tuloy na

Tempo Desk
2 Min Read
JANE de Leon

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

JANE de Leon
JANE de Leon

Si Jane de Leon ang bagong karakter na papasok sa “Ang Probinsiyano.”

Gaganap siya bilang isang pulis at excited na siya dito.

Sa isang interbyu inamin ni Jane na hindi niya ini-expect na magiging bahagi siya ng “Ang Probinsiyano.”

Nagulat na lang daw siya nang sabihan siya ng kanyang management team.

Unang napabalita na papasok si Julia Montes sa naturang serye at aalisin na ang karakter ni Yassi Pressman bilang si Alyanna.

May tsika na diumano’y labis na pinagseselosan ni Julia si Yassi, kaya aalisin na ang karakter nito.

Sa pagpasok ni Jane sa show, ibig bang sabihin ay hindi na tuloy na pagpasok ni Julia doon?

 

RAYVER Cruz (FB)
RAYVER Cruz (FB)

May bahay na

May sarili na ring bahay si Rayver Cruz.

Pahiwatig kaya ito na nagpaplano na silang magpakasal ni Janine Gutierrez? Ginaya ni Rayver ang kapatid niyang si Rodjun na inuna muna ang pagkakaroon ng bahay bago sila nagpakasal ni Dianne Medina.

By the way, proud si Rayver sa panalo ni Janine bilang best actress sa Famas para sa pelikulang “Ang Babae at Baril.”

Wagi rin si Janine bilang best actress sa Urian for the same movie.

Share This Article
2 Comments