Contents
BY ALEX CALLEJAAng column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!*Hi Alex,Bawal ang mangaroling sa darating na Pasko. Pero alam mo naman tayong mga Pinoy, maparaan kaya naisipan naming gawing online para at least magkapera naman ngayong Pasko. Online o live, ang mahalaga eh may caroling para tuloy ang spirit of Christmas. Iwas pa sa huli. Ang ibabayad sa amin, idaan na lang sa GCASH. Effective kaya ito?Gerry ng PacoHi Gerry,Online caroling ang naisip niyo para matuloy ang spirit of Christmas. May mga nalalaman pa kayong spirit spirit eh gusto niyo lang kumita! Hanep no, basta pagkakakitaan, gagawa talaga tayo ng paraan. Pero kapag ang misa ang ginawang online, lahat tayo kontra o kaya walang nagsisimba! Pero sige, kanya-kanyang diskarte ‘yan! Tuloy niyo ang online caroling dahil malamang ang mangyayari, online din ang tago ng mga tao. Kung dati, mangaroling ka sa tapat ng bahay walang tao, ngayong online, baka mahina ang Internet o kaya lag ang dahilan ng mga tao. Goodluck!*Hi Alex,Hello po, ako po si Roger, seven-years-old po ako at naghihintay po ako kay Santa sa darating na Pasko. Makakarating po kaya si Santa sa Pasko?Roger ng SingalongHi Roger,Naku baka hindi makarating si Santa sa Pasko. Hindi ako sure ha. Kasi quarantine ngayon at matanda na si Santa, bawal siyang lumabas. Saka may curfew rin. At ang matindi, kung puwede man si Santa, delikado dahil baka mahawa siya kasi sa buong mundo siya pupunta. Saka baka nahirapan din siya bumili o makakuha ng regalo dahil wala siyang nautusan kasi nga naka-quarantine pati mga helpers niya. Mabuti pa eh sa mga magulang ka muna manghingi ng regalo mo. Kung wala rin ang mga magulang mo, balikan mo ako at hihingi tayo sa kikitain ni Gerry na taga-Paco dahil balak nilang mang-online caroling. GERRY, in the spirit of Christmas, puwede bang bigyan niya ng regalo si Roger mula sa kikitain niya sa online caroling! Thanks!*Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.
BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Bawal ang mangaroling sa darating na Pasko. Pero alam mo naman tayong mga Pinoy, maparaan kaya naisipan naming gawing online para at least magkapera naman ngayong Pasko. Online o live, ang mahalaga eh may caroling para tuloy ang spirit of Christmas. Iwas pa sa huli. Ang ibabayad sa amin, idaan na lang sa GCASH. Effective kaya ito?
Gerry ng Paco
Hi Gerry,
Online caroling ang naisip niyo para matuloy ang spirit of Christmas. May mga nalalaman pa kayong spirit spirit eh gusto niyo lang kumita! Hanep no, basta pagkakakitaan, gagawa talaga tayo ng paraan. Pero kapag ang misa ang ginawang online, lahat tayo kontra o kaya walang nagsisimba! Pero sige, kanya-kanyang diskarte ‘yan! Tuloy niyo ang online caroling dahil malamang ang mangyayari, online din ang tago ng mga tao. Kung dati, mangaroling ka sa tapat ng bahay walang tao, ngayong online, baka mahina ang Internet o kaya lag ang dahilan ng mga tao. Goodluck!
*
Hi Alex,
Hello po, ako po si Roger, seven-years-old po ako at naghihintay po ako kay Santa sa darating na Pasko. Makakarating po kaya si Santa sa Pasko?
Roger ng Singalong

