Lani Misalucha, nalason!

Tempo Desk
2 Min Read

 

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

Na-food poison pala si Lani Misalucha at matagal siyang na-confine sa hospital, kaya nawala siya sa “The Clash” bilang isa sa mga hurado.

Pati ang asawa niyang si Noli ay na-food poison din.

Matindi raw ang bacterial in­fection sa mag-asawa, kaya ki­nailangang i-confine sila sa hos­pital.

 

LANI Misalucha (FB)
LANI Misalucha (FB)

 

Fake news na nagka-COVID-19 sila.

Hindi naman agad kasi ipi­naalam ni Lani kung ano’ng nangyari sa kanilang mag-asa­wa!

Lingid sa kaalaman ng lahat, mula noong umpisa ng lockdown ay sa isang bahay ni Willie Revil­lame nakatira si Lani and hus­band.

Long-time friends sina Lani at Willie. Ito mismo ang nag-alok na tumira ang mag-asawa sa ba­hay niya.

 

Hindi pa handa

Seven years nang kasal sina Melai Cantiveros at Jason Fran­cisco. Dalawa na ang anak nila na parehong babae.

Nag-renewal of vows sila sa “Magandang Buhay” kamakailan. Isang kaibigang pari ang nagbas­bas.

Inamin ni Jason na hindi pa siya handang magpakasal noon kay Melai. Kaya lang ay nabuntis niya ito.

Bago sila ikasal ay nag-semi­nar sila. Sinabihan siya ni Melai na puwede siyang mag-backout kung gusto niya. Ani Jason, gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila bilang respeto sa mga magulang ni Melai.

Maraming pagsubok silang pinagdaanan. Naging “rock and roll” ang buhay nila hanggang naghiwalay sila.

After a year ay nagkabalikan sila. Since then ay naging maayos na ang pagsasama nila.

Share This Article