Lloydie, nagbabalik

Tempo Desk
2 Min Read
JOHN Lloyd Cruz

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

JOHN Lloyd Cruz
JOHN Lloyd Cruz

Mukhang tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz.

Nag-post ang aktor sa socmed ng mga katagang: “on location.”

Hindi lang malinaw kung pelikula o TV show ang ginagawa niya.

O, baka naman, another commercial shoot ito.

Ang tiyak ay gagawa si JLC ng isang TV project dahil nakapirma na siya ng kontrata sa Brightlight Productions ni Albee Benitez.

Mapapanood ‘yun sa TV5.

Diumano’y isang sitcom ‘yun na si Edgar “Bobot” Mortiz ang direktor.

Si Bea Alonzo diumano ang napipisil maging kapareha ni John Lloyd.

 

Ibigay na kaya?

NORA Aunor
NORA Aunor

Sa isang interbyu kay Phillip Salvador ay nasabi niyang long overdue na ang National Artist Award na dapat ay mata­gal nang naibigay kay Nora Aunor.

Ayaw nang umasa ni La Aunor dito na aniya, kung ipagkakaloob sa kanya ang parangal, salamat, kung hindi naman, salamat pa rin.

Sapat na sa kanya na nanini­wala ang kanyang fans and sup­porters na karapat-dapat siya bilang National Artist.

Iniisip naman ng netizens na hindi raw kaya dahil sa pagiging malapit ni Phillip sa Duterte ad­ministration ay maaprubahan na ang paggawad ng naturang award kay Nora?

By the way, simula ngayong Lunes ay balik-ere na ang “Bil­angin ang Bituin sa Langit” sa GMA Afternoon Prime Time. Kasama rito ni Nora sina Kyline Alcantara, Isabel Rivas, Yasser Mata, Gabby Eigenmann, Mylene Dizon, atbp.

Share This Article
Leave a Comment