Iniintriga!

Tempo Desk
1 Min Read
ALDEN Richards

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

ALDEN Richards
ALDEN Richards

Iniintriga ang personal na paghatid ng relief goods ni Alden Richards sa mga bik­tima ng bagyong Ulysses sa Marikina.

Ito ay dahil siya mismo ang namahagi ng goods sa mga nasalanta complete with TV coverage.

Anang bashers, bakit daw kailangan pa ang TV cover­age?

Katuwiran ng Kapuso actor, gusto lang niyang makita ng donors kung saan napunta ang mga donasyon nila. Gusto niyang maging transparent sa lahat.

‘Yun kayang mga nang-iin­triga, may naibigay na bang tulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses?

 

Di makapaniwala

ASSUNTA de Rossi
ASSUNTA de Rossi

Hindi pa rin makapaniwala si Assunta de Rossi na may baby na sila ng husband niyang si Jules Ledesma.

Sa interbyu ng “24 Oras,” sinabi ni Assunta na hindi niya akalaing sa edad niyang 37 ay mabubuntis pa siya.

Miracle baby daw talaga si Baby Fiora at naiiyak siya kapag tinit­ingnan niya ito.

Magkahalong features nila ni Jules ang itsura ng baby. Ani Assunta, may mga nagsasabi namang kahawig ito ng kapatid niyang si Alessandra.

Share This Article
149 Comments