Libreng pabahay

Tempo Desk
2 Min Read
ROBIN Padilla and Mariel Rodriguez (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

ROBIN Padilla and Mariel Rodriguez (FB)
ROBIN Padilla and Mariel Rodriguez (FB)

May libreng pabahay sina Rob­in at Mariel Padilla sa kanilang mga kasambahay.

Ani Mariel sa kanyang vlog, sukli nilang mag-asawa ‘yun sa loyalty at pagmamahal na ib­inibigay ng mga ito sa kanila.

Pinagawan nila ng apartments ang kanilang mga kasambahay sa Museo Padilla kung saan may mga kinukupkop din na Muslim families si Robin.

Ini-open na rin ni Robin ang naturang lugar para sa mga Kris­tiyanong staff ni Mariel.

 

ZSA Zsa Padilla (IG)
ZSA Zsa Padilla (IG)

Matatapos na

Almost finished na ang Casa Ezperanza ni Zsa Zsa Padilla sa Lucban, Quezon. Kitchen at dining areas na lang ang tinatapos. Ang partner niyang si Architect Conrad Onglao ang gumawa ng design na very pleasing, re­laxing at cozy ang ambience.

May mga casitas (o villas), may infinity pool, may iba’t ibang halaman at puno ang paligid at may mga ala­gang ibon sila.

Tanaw din ang kalapit na kagubatan .

Ideal for honeymoon­ers ang Casa Esperanza at sa mga bakasyuni­stang gusto ng privacy.

 

SARAH Geronimo (IG)
SARAH Geronimo (IG)

Lilipat?

Posible kayang lu­mipat si Sarah Geron­imo sa TV5? Diuma­no, “nililigawan” siya ng network.

Sundan kaya ni Sarah ang hubby niyang si Matteo Guidicelli na isa sa mga judge detec­tives ng “Masked Singer Pilipinas?”

Share This Article