Gabbi tuloy ang pagtulong via social media

Tempo Desk
1 Min Read
GABBI Garcia (FB)

 

BY RUEL J. MENDOZA

 

GABBI Garcia (FB)
GABBI Garcia (FB)

Ginagamit nang mabuti ni Ka­puso star Gabbi Garcia ang so­cial media upang makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Naurong ang pilot airing ng kan­yang show sa GMA News TV na “IRL (In Real Life)” para magbigay daan sa balita at updates sa bagyo.

Ngayong araw na mapapanuod ang first episode ng nasabing real­ity program kung saan una niyang guest co-host ang kanyang boy­friend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.

Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kan­yang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode ng show.

“Hi guys. The pilot ep of ‘IRL’ will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday. We had no signal and power. Praying for every­one’s safe­ty. please please take care.”

Share This Article