Chickboy

Tempo Desk
2 Min Read
ROBIN Padilla (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

VINA Morales (IG)
VINA Morales (IG)

Walang ilangang nangyari nang mag-guest appearance si Vina Morales sa online show ni Mariel Rodriguez.

In fact, tila very comfortable sila sa isa’t isa, notwithstand­ing the fact na si Vina ay ex-girlfriend ni Robin Padilla, na asawa na ngayon ni Mariel.

Malayang nag-open- up sa show si Vina sa nakaraan nila ni Robin.

Aniya, on-and-off ang ka­nilang four-year relationship dahil ang dami raw girls noon ni Robin.

Kahit ilang beses na raw siyang umayaw sa Bad Boy of Philippine Cinema, pa ulit-ulit daw siyang sinusuyo nito.

Ang isang hindi niya maka­limutan kay Robin ay nang punuin nito ng flowers ang ku­wartong inuupahan sa Baguio City habang ginagawa nila noon ang “Miss na Miss Kita.”

Super kilig daw siya.

In fairness, umamin si Vina na na-in love daw talaga siya ng sobra kay Robin.

Ipinaglaban pa nga daw niya ito na maging escort niya noong nag-debut siya.

MARIEL Rodriguez (IG)
MARIEL Rodriguez (IG)

May iba raw gusto ang na­mayapang si Mina Aragon-del Rosario (wife of Viva Films’ producer Vic del Rosario) for her that time.

Nang tanungin ni Mariel kung ano’ng tawag sa kanya noon ni Robin, sagot ni Vina, “babe” na minsan daw nagiging “babes,” dahil marami raw kasi silang pinagsasabay-sabay ni Robin.

Ani Mariel, babe rin ang tawag sa kanya ni Robin na parati raw niyang sinasabi na, “Walang S.”

Nang tanungin naman niya si Vina kung ano sa kanya si Robin kung pagkain ito, ani Vina, “Cake dahil matamis.”

Request ng netizens, sana raw sa susunod na vlog ni Mariel ay magkakasama naman silang tatlo nina Robin at Vina. O, di kaya, i-guest din ni Mariel sina Sharon Cuneta at Kris Aquino na ex-girlfriends din ni Robin. Puwede kaya?

Share This Article