Angelica Panganiban, may bagong jowa

Tempo Desk
2 Min Read
ANGELICA Panganiban (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

ANGELICA Panganiban
ANGELICA Panganiban

Hula ng netizens ay isang foreigner ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Angelica Panganiban.

May inireto kasi kay Angelica ang BFF niyang si Glaiza de Castro na foreigner din ang boyfriend, si David Rainey na isang Irish.

Hindi kaya ang friend ni David na ipinakilala ni Glaiza kay Angelica ang bagong jowa nito?

In any case, nagtagumpay ang pagiging matchmaker ni Glaiza dahil sa isang inter­byu ay binuking niyang may someone special na nagki-care ngayon kay Angelica.

Baka nga foreigner ang per­fect match ni Angelica at hindi local guys.

Ex-BF’s niya ang Pinoy actors na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

 

JOHN Lloyd Cruz (IG)
JOHN Lloyd Cruz (IG)

Probinsiyano na

Speaking of John Lloyd, may ipinapagawa daw itong beach house sa El Nido, Palawan kaya madalas siyang nagpupunta roon.

Enjoy talaga si JLC sa buhay-probinsiya at mukhang hindi naman niya nami-miss ang showbiz life.

Siguro nga’y sobrang na-burn out si JLC, kaya simpleng buhay ang gusto niya ngayon.

Nakikita pa kaya ni JLC ang anak niyang si Elias Modesto?

Nasa Cebu ang bagets kasa­ma ang inang si Ellen Adarna.

 

marian rivera fb3
MARIAN Rivera (FB)

Compatible

Ani Marian Rivera sa isang interbyu, sa panahon ng pan­demic ay natuklasan nila ng hubby niyang si Dingdong Dantes na compatible talaga sila.

Never daw silang nag-away since pinairal ang quarantine.

Siguro daw ay nag-mature na rin sila.

Give and take ang relasyon nila.

Hindi siya nagging wife pero kung ano’ng nararamdaman niya at saloobin, sinasabi niya nang maayos kay Dingdong.

Share This Article