Ryza Cenon, nanganak na!

Tempo Desk
1 Min Read
RYZA Cenon (FB)

 

BY JUN NARDO

 

 

RYZA Cenon (FB)
RYZA Cenon (FB)

Nanay na si Ryza Cenon! Nagsi­lang ito ng kanyang unang baby last Oct. 31. Pinangalanan niya ang bata ng Night.

“Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night,” caption ni Ryza sa litrato ng maliit na kamay ng sanggol na ibinahagi niya sa social media.

Ang tatay ng bata ay ang part­ner niyang cinematographer na si Miguel Cruz.

Samantala, baby girl din ang isinilang kamakailan ng “Descen­dants of the Sun PH” star Reese Tuazon.

Una rin niya itong anak sa asawang non-showbiz na si Robi Guingona.

 

NAPAIYAK

WILLIE Revillame
WILLIE Revillame

Hindi napigilan ni Willie Revil­lame ang luha nang bisitahin ang original studio ng “Wowowin” sa GMA compound kamakailan.

Ilang buwan na nagbo-broad­cast ng kanyang show sa Wil Tower sanhi ng pandemic.

Ani Will, naiyak siya dahil na-miss niya ang mga taong nakikita niya dati doon.

Nangako siya na pagdating ng November ay babalik na ang show sa studio para magtanghal ng live.

Share This Article