May masamang elemento

Tempo Desk
2 Min Read
ALDEN Richards (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Nakaranas ng tinatawag na exorcism si Alden Rich­ards sa mismong bahay na ipinagawa niya.

Kuwento niya sa “Eat Bu­laga,” isang lumang bahay ang nabili niya at ipina-renovate niya ‘yun.

Ang sabi raw sa kanya ng contractor, four months lang gagawin ang bahay at tapos na. Pero almost a year na’y hindi pa tapos.

ALDEN Richards (IG)
ALDEN Richards (IG)

Ang sabi raw sa kanya ng construction workers, may kakaiba silang nara­ramdaman kapag nagtatra­baho sila. Parang may kung ano’ng pumipigil sa kanila.

May nakilalang pari si Alden at sinabi niya ang kababalaghang nang­yayari. Sabi raw nito sa kanya ay may masamang elemento sa ipinapagawa niyang bahay.

Ipina-exorcise niya ‘yun. May binasa ang pari tung­kol sa exorcism. Ani Alden, nag-iba ang pakiramdam niya pagdating sa kanyang kuwarto na ayon sa paring nakilala niya, ‘andun ang malakas na masamang elemento.

Matapos mabasbasan ang buong kabahayan ay umaliwalas ang pakiram­dam ni Alden. Somewhere sa Sta. Rosa, Laguna ang bahay na tinitirahan niya ngayon kasama ang kan­yang pamilya. Wala na si­lang kakaibang nararam­daman.

 

GABBI Garcia and Khalil Ramos (IG)
GABBI Garcia and Khalil Ramos (IG)

SUWERTE

Last year pa kinuku­mbinse ni Gabbi Garcia ang boyfriend niyang si Khalil Ramos na lumipat sa GMA7. Nagtagumpay siya at suwerte naman si Khalil sa paglipat niya at pagpirma ng kontrata.

Sunud-sunod ang expo­sure niya sa Kapuso shows at magkakaroon pa sila ni Gabbi ng mini-series.

Ayon sa netizens, tila ang lakas naman daw ni Gabbi sa management at wish granted agad na magtam­bal sila sa isang proyekto.

Request naman ng netizens na bigyan din sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz ng proj­ect together. Nauna pa raw lumipat si Rayver sa GMA7 dahil kay Janine.

Share This Article
2 Comments