Gimik lang?

Tempo Desk
2 Min Read
SHARON Cuneta (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Matapos mag-emote sa social media na kesyo magre-retire na siya, ito at mukhang nagbago na naman ang isip ni Sharon Cu­neta.

Sa latest post niya sa socmed, nili­naw niya na it’s not hap­pening any­time soon dahil aniya, marami pa siyang kon­tratang kail­angang tapu­sin.

Two decades pa raw bago siya mag-retire. Naku, huh!

sharon
SHARON Cuneta

May mga natuwa siyempre, lalo na ang fans and supporters niya.

Pero mas marami ang nainis dahil tila gumimik lang daw si Mega.

Anila, ituloy na lang sana ni Sharon ang pagre-retire, hindi ‘yung panay ang pa-press release niya tapos babawiin din.

Turning 55 na si Sharon Janu­ary next year. Kung two decades pa bago siya mag-retire, by that time ay 75 years old na siya.

 

Siya ang dahilan?

gabbi garcia khalil ramos FB1
GABBI Garcia and Khalil Ramos (FB)

Totoo kaya na ang biggest rea­son sa paglipat ni Khalil Ramos sa GMA7 ay ang girlfriend na si Gabbi Garcia?

Ito raw ang nag-encour­age kay Khalil na lumipat na dahil gusto ni­yang magka­trabaho sila.

 

Kaloka!

ANGELICA Panganiban
ANGELICA Panganiban (IG)

Grabe talaga itong si Angelica Panganiban, huh!

Aba’y walang kiyeme siyang umihi kahit nakikipagtsikahan kay Glaiza de Castro para sa kan­yang online show.

Talagang ipinakita pang nag­punta si Angelica sa comfort room dala ang kanyang laptop.

Face lang naman niya ang nakita, pero mai-imagine ng audience kung ano’ng ginagawa niya ‘diba?

Share This Article