Sharon Cuneta, magre-retiro na daw?

Tempo Desk
2 Min Read
SHARON Cuneta (FB)

 

BY JUN NARDO

 

Mouthful box

 

Wala na daw talagang atrasan. This time ay tuloy na tuloy na raw ang planong pagre-retire ni Sharon Cun­eta sa showbiz.

Ipinahiwatig ito ng Me­gastar sa latest post niya sa Instagram.

“Kids, it’s almost time. Mama is tired. I love you,” nakasaad sa statement niya sa IG kalakip ang isang picture niya kunsan tila pagod na siya.

sharon cuneta fb3
SHARON Cuneta (FB)

Caption pa ni Shawie, “On my way to retirement.”

Siyempre, may nalungkot siyang followers. Meron namang nakaiintidi lalo na’t 41 years na sa showbiz ang idolo.

Umaasam pa rin ang Sharon-Gabby fans na makakagawa pa ang dalawa ng comeback movie bago matuloy ang sinasabing retirement.

Pero mukhang malabo nang mangyari ‘yon lalo na’t may pandemya pa.

Sharon deserves to be a private person. Marami na siyang napaligaya and it’s time naman na maging nor­mal ang buhay niya bilang normal na indibidwal!

 

May pasabog

tv5

Sama-sama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito bilang hosts ng “Sunday Noontime Live” sa TV5 simula sa Oct. 18 na produced ng Brightlight Productions. Director ng programa si Johnny Ma­nahan.

Kasunod nito ang launch­ing ng afternoon drama series na “I Got You,” at 2 p.m. Sina Jane Oineza, RK Bagatsing at Beauty Gonzales ang mga bida habang si Dan Villegas ang director.

Sa Oct. 18 din ang launching ng comedy show na “Sunday Kada,” at 3 p.m. mula naman sa direksyon ni Edgar Mortiz.

Ilan pa sa shows na produced ng Brightliht ay ang daily noon­time show na “Lunch Out Loud,” which will premiere on Oct. 19; “Rated Korina” ni Korina San­chez sa Oct. 24; at “Oh My Dad” ni Ian Veneracion sa Oct. 24.

Share This Article
Leave a Comment