Fake news!

Tempo Desk
2 Min Read

 

BY ROWENA AGILADA

 

timing tmg tg

 

Fake news ang kumalat na balita sa socmed na nagkabali­kan sina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil lang sa chocolate cake na paboritong i-bake ni Bea for him.

May tsika pang diumano’y mag­papakasal na sila.

‘Kaloka ang imagination ng nagkalat ng fake news na ‘yun.

Bea Alonzo and Gerald anderson
BEA Alonzo and Gerald Anderson

Sa isang interbyu ay sinabi ni Bea na never again niyang baba­likan si Gerald. Sobrang na-hurt siya sa pang-ghosting nito sa kanya.

Sinabi pa ni Bea na ipasusunog ang bahay niya kapag nagkabali­kan sila ni Gerald.

 

Na-ghosting din

angelica panganiban IG
ANGELICA Panganiban (IG)

Bitter-bitteran pa rin ba si An­gelica Panganiban sa pang-iwan sa kanya ni John Lloyd Cruz?

Na-ghosting din siya ng aktor na bigla na lang itong hindi nag­paramdam sa kanya.

Wala rin silang formal closure tulad nina Gerald at Bea. Pareho ng kapalaran sina Angelica at Bea pagdating sa lovelife. Wagas silang magmahal kapag may boyfriend. Pero iniwan pa rin sila ng mga lalaking minahal nila.

 

Totoo na?

sharon cuneta fb1
SHARON Cuneta (FB)

Goodbye show­biz na nga ba talaga si Sharon Cuneta?

Noon pa bina­banggit ni Sharon na gusto niya mag-retire sa showbiz kapag 55 years old na siya. She’s turn­ing 55 January next year.

Nitong huli, nagpasabi uli ang aktres na mag-re-retiro na raw siya. Malapit na raw.

May mga nag-iisip naman na hindi raw kaya balak na rin ni Sharon pasukin ang pulitika, kaya mag-re-retire na siya sa showbiz?

Share This Article
Leave a Comment