Bianca, selosa?

Tempo Desk
2 Min Read
SHAIRA Diaz, Ruru Madrid, Bianca Umali

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Parehong taken na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz na mag­tatambal sa isang upcoming project ng GMA News and Public Affairs.

May Bianca Umali si Ruru, may EA Guzman si Shaira.

Kilalang selosa si Bianca. Kung matatandaan, pinag­selosan niya si Kyline Alcantara noong nagkatrabaho sila sa “Kambal Karibal” with Miguel Tanfelix.

SHAIRA Diaz, Ruru Madrid, Bianca Umali
SHAIRA Diaz, Ruru Madrid, Bianca Umali

 

Although, kapuwa itinanggi ng dalawa na may “something” sila, some sources say na si Kyline ang dahilan ng break-up nina Bianca at Miguel.

Nagselos din si Bianca sa isang young actress na na­kapareha ni Ruru sa isang pelikula. Nagwala daw ito sa parking lot ng isang sinehan noong premiere night ng movie. Muntik pa raw niyang sagasaan si Ruru.

Magselos din kaya si Bianca kay Shaira? What about EA kay Ruru?

 

Loveless pa rin

angelica panganiban
ANGELICA Panganiban (IG)

Si Angelica Panganiban na lang ang wala pang boyfriend sa kanilang tatlo nina Kim Chiu at Bela Padilla.

Friends sila na kamakailan ay nag-bonding sa Subic at nag-celebrate ng anniversary ng kanilang friendship.

Foreigner ang bagong BF ni Bela named Norma Ben Bay.

May Xian Lim naman si Kim na ilang years na rin ang kanil­ang relasyon.

Thrice nang na-heartbro­ken si Angelica sa ex-showbiz boyfriends niyang sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Kelan kaya darating ang “The One” niya?

Share This Article