Balik-eskuwela si Joshua Garcia!

Tempo Desk
1 Min Read
JOSHUA Garcia (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Busy-busy-han si Joshua Garcia ngayong pandemic.

Ito nga at nag-enroll ang poging binata sa eskuwela.

Entrepreneurship ang course niya sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFUL) sa Las Piñas City.

joshua garcia IG crop
JOSHUA Garcia (IG)

Aniya, matagal na niyang planong mag-aral muli dahil aminado siyang kulang siya ng kaalaman.

Sobrang busy kasi siya sa kanyang showbiz career noon, kaya naisantabi muna niya ang pagbalik-eskuwela.

Ngayong pandemic, maluwag ang schedule ni Joshua, kaya bu­malik siya sa pag-aaral.

No love life muna at fo­cus siya sa studies at career. Happy naman si Joshua for Janella Salvador and Markus Paterson.

He stressed na friends lang talaga sila ni Janella.

 

Trabaho lang

Billy Crawford
BILLY Crawford

Need niya ng work kaya lu­mipat siya sa TV5. Ito ang sey ni Billy Crawford.

Comment kasi ng ibang ne­tizens, wala siyang loyalty sa ABS-CBN.

Tinapatan pa niya ang “It’s Showtime” kung saan naging bahagi siya, pati na ang wife niyang si Coleen Garcia.

Host si Billy ng “Lunch Out Loud,” bagong noontime show ng TV5.

Trabaho lang daw, walang per­sonalan.

Share This Article