Sharon, malungkot

Tempo Desk
1 Min Read
SHARON Cuneta (FB)

 

BY JUN NARDO

Mouthful box

 

 

Binuksang muli ni Sharon Cuneta ang kanyang social me­dia accounts nang makarating sa kanya ang malungkot na balitang namatay na ang loyal fan niyang si Remy Ramirez.

sharon cuneta fb1
SHARON Cuneta (FB)

Hindi siya nakatiis na muling buksan ang Facebook page upang bigyang pap­uri ang umanaw na fan na naging parte ng buhay niya mula kabataan niya.

Bahagi ng post ni Shawie, “I am heart­broken…Too many of those close to my heart have been going since last year.

“2020 sana mata­pos na ang pagkuha mo sa amin ng mga mahal namin.”

 

Sa TV muna

joji alonso fb1
JOJI Alonso (FB)

Tutok muna sa telebisyon ang law­yer-producer-direc­tor na si Atty Joji Alonso dahil magig­ing bahagi siya ng Brightlight Produc­tions.

Magiging blocktim­er sa TV 5 ang Brigh­light at ngayon Octo­ber, anim na bagong shows ang magkaka­roon ng launching.

Sa Facebook ni Atty. Joji, may video ng mga artistang tampok sa mga programa at nan­gunguna rito sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Ian Veneracion at iba pa.

Abang-abang lang tayo sa mga pasabog ng Brightlight!

Share This Article