Ellen Adarna, hands-on mom

Tempo Desk
1 Min Read
ELLEN Adarna (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

Kasama ang ilang non-show­biz friends, nagbakasyon si El­len Adarna at anak na si Elias Modesto sa isang private beach resort sa Cebu.

Tumalon silang mag-ina sa dagat mula sa yateng sinakyan nila at nag-jet ski.

For sure, tinuturuan na rin ni Ellen lumangoy si Elias.

Sayang at hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz. Hindi na ito na­kakasama sa bonding moments ng kanyang mag-ina. Wala siya noong nagalusan sa tuhod si Elias. Si Ellen lang ang umalo sa kanilang anak para tumigil ito sa pag-iyak.

ELLEN Adarna (IG)
ELLEN Adarna (IG)

Mukhang pinaninindigan ni Ellen ang sinabi niyang hindi muna siya magso-showbiz for the next seven years para mag­ing hands-on mom kay Elias, now two years old.

 

Threat kaya?

Hindi naman siguro threat sa ibang Kapuso stars ang bagong leading man ng GMA-7 na si Kel­vin Miranda.

Bibida ito sa upcoming prime­time series ng GMA News with Mikee Quintos as his leading lady.

Kapag nag-klik ang kanilang tambalan, posibleng i-build-up ang Kelvin-Mikee love team.

Share This Article