JC Tiuseco, nasungkit na ang diploma

Tempo Desk
1 Min Read
JC Tiuseco (FB)

 

BY RUEL J. MENDOZA

 

 

JC Tiuseco (FB)
JC Tiuseco (FB)

Pagkatapos ng 11 years ay na­kuha na rin ng Kapuso hunk at kauna-unahang winner ng “Sur­vivor Philippines” na si JC Tiuseco ang kanyang college diploma mula sa San Sebastian College-Recoletos.

Nagtapos si JC ng Bachelor of Science in Commerce noong May 2009, one year pagkatapos niyang manalo sa “Survivor Philippines” ng GMA-7.

Hindi raw um-attend ng gradu­ation niya si JC kaya hindi niya agad nakuha ang diploma niya.

“Diploma! So, after 100 years, kinuha ko na to dahil mas pinili ko mag-taping kaysa mag-attend ng graduation.

“Naging basketball player, mod­el, track and field athlete, survivor, and actor pero tinapos ko to kasa­bay ng lahat ng nangyayari.

“Salamat sa lahat ng tumulong along the way,” ani JC sa Insta­gram.

Aktibo pa rin si JC sa paglabas sa mga teleserye sa GMA.

Huli siyang napanood sa “Love You Two.”

Happily married na si JC at apat na ang anak nila ng kanyang lawyer-wife na si Alu Dorotan.

Share This Article