Misunderstood

Tempo Desk
2 Min Read
CRISTINE Reyes (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

 

timing tmg tg

 

Malungkot pala ang childhood ni Cristine Reyes. Isolated daw siya, walang nagmamahal, walang makausap, walang mayakap at mahalikan.

‘Yan ang revelation ni Cristine mismo sa show ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5.

Aniya, lumaki siya sa ibang pamilya. Sayang at hindi naitanong ni Luchi kung bakit.

cristine reyes ig1
CRISTINE Reyes (IG)

Anyway, ayon kay Cristine, noong nag-showbiz siya’y nabansagan siyang “bratinella,” pasaway at awayera.

 

Ang hindi raw alam ng lahat, ito ay dahil sa mga pinagdaanan niya.

For the longest time, she was longing for love.

Ang anak daw niyang si Amarah ang nagbigay sigla sa buhay niya.

Ayaw raw niyang maranasan ni Amarah ang naging buhay niya noong bata pa siya.

Binubusog ni Cristine ng pagmamahal si Amarah, lalo ngayong single parent siya.

 

NAUDLOT

28Christian Bables instagram copy copy
CHRISTIAN Bables (IG)

Despite the ongoing pandemic, nakapagpundar ng bagong sasakyan si Christian Bables. Isang customized van ito na binili niya ng cash.

Sabi niya sa YouTube channel ni Allan Diones, inipon niya ang perang ipinangbayad niya dun.

At least daw, wala na siyang poproblemahin kung saan kukuha ng panghulog.

Naudlot daw ang lovelife ni Christian dahil nagpunta sa Dubai ang non-showbiz girlfriend niya.

Nang tanungin siya ni Allan kung alin ang pipiliin niya, career or lovelife, lovelife ang isinagot ni Christian.

Share This Article