Tahimik lang

Tempo Desk
2 Min Read
DINGDONG Dantes and Jennylyn Mercado star Philippine remake of Korean drama series 'Descendants of the Sun'.

 

BY JUN NARDO

 

 

FRST first timer JUN NARDO

Nagtatapos na ang mga naud­lot na pelikula ng isang movie production. Naging maingat naman sila sa health protocols pero ayaw na lang nil­ang ianun­syo ito dahil baka mapag-initan pa sila ng kinauu­kulan.

Pero ‘yung iba ay isina­sapubliko ito, huh? Gaya na lang ng “My First, My Last” nina Ken Chan at Rita Daniela under Heaven’s Best Entertainment.

Natapos na rin ni direk Joel Lamangan ang movie niyang “Lockdown.” Sumabak na rin sa film production sina Joed Ser­rano at Grace Ibuna.

Pagdating naman sa TV, tanging ang Kapuso primetime series na “Love of My Life” ang wala pang announcement kung kelan magbabalik ng taping. Pero ang series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” ay game na sa taping. Natapos na rin ang remaining episodes ng “Descendants of the Sun.”

Magbabalik na rin ang Season 3 ng singing competition na “The Clash” sa October. Habang ang iba pang weekly show ng network ay patuloy na rumarat­sada.

Ang bong­ga sa bagong announce­ment ng GMA, ma­papanood na ang TV newscasts nito (started last Sept. 21) sa GMA News TV na “State of the Nation” ni Jessica Soho, “Balitang Tanghali” at “Quick Response Team” at “Stand For Truth.”

Nasa general community ­quarantine ang Metro Manila at sa katapusan ng buwan eh magtatapos na ito.

The pandemic is not yet over kaya maging maingat pa rin tayong lahat.

Abangers na lang kung kailan magbubukas ang mga sinehan!

Share This Article
Leave a Comment