Janella Salvador, buntis nga ba?

Tempo Desk
2 Min Read
JANELLA Salvador (FB)

 

BY JUN NARDO

FRST first timer JUN NARDO

 

 

Pag-aaral daw ang rason kaya pumunta si Janella Salvador sa London ayon sa aming source.

Plano na ito ni Janella bago pa man mag-lockdown. Sponsored daw ito ng father niyang si Juan Miguel Salvador.

Pero nitong mga nakaraang araw, lumutang sa social media ang kumpirmasyon ng relasyon ni Janella sa Fil-British young actor na si Markus Patterson.

janella salvador FB1
JANELLA Salvador (FB)

Sinabayan agad ito ng tsismis na buntis daw itong si Janella at siyam na buwan siyang mawawala sa bansa.

Siyempre, kapag nawala ang isang tao ng nine months, alam ninyo na ang kasunod nito.

Pero tikom ang bibig ni Manny Valera, manager ni Janella, sa isyu.

Tahimik din ang ina ni Janella na si Janine Desiderio.

Ang tanong – totoo bang bun­tis si Janella kaya nagpunta sa London?

Bukas ang TEMPO sa anumang reaksyon na ipahayag niya.

 

Nag-away daw?

SUPER Tekla and Boobay
SUPER Tekla and Boobay

Totoo ba o hindi ang kumalat na balitang nag-away raw sina Boobay at Super Tekla habang nagti-taping ng bagong episode ng comedy show nilang “The Boobay and Tekla Show?”

Sa Facebook page ng programa nila, naka-upload ang palitan ng maaanghang na salita ng dalawa habang nagte-taping sa segment na “Tape Mo, Mukha Mo.”

Isang security guard ang uma­wat sa kanila.

Mapapanood ang eksena ng dalawa ngayong Sunday sa fresh episode ng “The Boobay and Te­kla Show.” Malalaman natin kung may katotohan o prank lang ang lahat.

 

Share This Article
1 Comment