BB Gandanghari, naghahamon!

Tempo Desk
2 Min Read
BB Gandanghari (IG)

 

BY ROWENA AGUILADA

timing tmg tg

 

 

Ayaw pa ring paawat si BB Gandanghari. Hinahamon na­man niya si Piolo Pascual ngayon na magpakatotoo na. Magsalita na raw kung ano at sino ito para matapos na ang haka-haka ng lahat.

Just curious, ano kaya’ng reac­tion ng pamilya ni BBG, lalo na ang kapatid na si Robin Padilla sa pasabog niyang ito?

BB gandanghari ig3
BB Gandanghari (IG)

Ang daming galit na galit kay BBG dahil sinira niya ang pagkatao ni Piolo.

Si Ai-Ai delas Alas ay sinabihan si BBG na mag-move on na.

Buwelta ni BBG, ipokrita, plastic at kaibigang putik si Ai-Ai.

Sinumbatan pa niya si Ai-Ai na noong hindi pa ito sikat ay si Rus­tom lang ang kabigan nito.

 

May kilig pa kaya?

May kilig pa kaya kina Robin Padilla at Vina Morales?

Vina Morales
VINA Morales
robin padilla fb1
ROBIN Padilla (FB)

Magsasama sila sa isang sitcom na mapapanood sa Net 25.

Ex-sweethearts sila at huwag nang mag-ilusyon ang kanilang followers na magkakaroon ng kar­ugtong ang kanilang nakaraan.

In-assure ni Vina ang wifey ni Robin na si Mariel Padilla na hindi na maibabalik ang kahapon. Tra­baho lang daw at walang per­sonalan.

 

Kasal na lang

Kasal na lang ang kulang kina Enrique Gil at Liza Soberano.

15liza n enrique instagram copy copy
LIZA Soberano and Enrique Gil

Sa isang interbyu ay inamin ni Enrique na walang label ang kanilang relasyon at parang mag-asawa na ang turingan nila ni Liza.

Hinala nga ng ibang netizens ay magka-live-in na ang dalawa.

Ayon pa kay Enrique, sure na­mang pakakasalan niya si Liza dahil sobrang mahal niya ang dalaga.

Samantala, kapuwa nagpa­hayag ng kanilang loyalty sa ABS-CBN sina Enrique at Liza. Hindi raw nila iiwan ang network kahit nagsara na ito.

Balitang may gagawin silang show sa Kapamilya online chan­nel.

Share This Article
4 Comments