Boobay at Tekla, magbabalik TV 

Tempo Desk
1 Min Read
SUPER Tekla and Boobay

 

BY RUEL J. MENDOZA

 

 

Balik-taping na ang comedy variety show na “The Boobay And Tekla Show” nila Boobay at Super Tekla.

Anim na buwan na napahinga ang top-rating na “TBATS” na tuwing Linggo ng gabi pinapalabas sa GMA-7.

Ngayon ay excited na ang dalawang Kapuso comedians dahil nagte-taping na ulit sila ng fresh episodes.

Ibinahagi ni Super Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa TBATS.

 

SUPER Tekla and Boobay
SUPER Tekla and Boobay

 

“Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal,” caption pa niya.

Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng setup ng studio kung saan mapapansin na may imbitadong audience via Zoom.

“Break a leg team! May zoom audience kami today,” caption ni Direk Rico.

Mas masaya at pangtanggal stress sa quarantine ang muling pagbabalik ng “TBATS” ngayong Sept. 13 10:15 p.m., sa Kapuso Network.

Share This Article
1 Comment