KC Concep­cion, natulala

Tempo Desk
2 Min Read
KC Concepcion (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Natulala pala si KC Concep­cion noong i-announce ni Pio­lo Pascual on national TV ang kanil­ang break-up. Inamin niya ito sa YouTube vlogger na si G3 San Diego.

Ani KC, it was a tough situation for them. Aniya pa, first time naging public ang pakikipag-relasyon niya kaya napakalaking bagay sa kanya ito noon.

Naalala pa ni KC noong dalawin siya ni Piolo sa set ng pelikulang “Greece” na ginawa niya with Richard Gutierrez. Kasama ni Piolo si Direk Joyce Bernal.

KC ig1
KC Concepcion (IG)

Ayon kay KC, tingin niya noon kay Piolo ay may halo ito sa ulo. Wala siyang masabi sa kabaitan ni Piolo.

Hindi naging madali para kay KC ang break-up nila. Hi­rap daw siyang mag-pretend na hindi na sila together.

“My regret? It has to end,” aniya.

Dagdag pa ni KC, she will always be watching him from afar.

Aysus!

Marami raw siyang natutu­nan sa relasyon nila noon ni Piolo. Isa na ‘yung kung ma­hal mo talaga ang isang tao, you have to trust that per­son. Tang­gapin lahat ng bagay sa kanya at kailangang maging hon­est kayo sa isa’t isa.

 

PLANTITO RIN

piolo fb2
PIOLO Pascual (FB)

Sa inter­byu kay Piolo Pascual sa isang event, aniya, madalas niyang kasa­ma ang kanyang pamilya ngayong quarantine period.

Naging plantito rin si Piolo. Nagtatanim siya ng mga gulay sa garden sa resthouse nila sa Mabini,Batangas.

May green thumb daw pala siya. ‘Yung mga nahaharvest nilang gulay ang madalas nilang kainin.

Ang pagwo-workout, pag­takbo at pagbabasa ng libro ang pinagkakaabalahan din ni Piolo.

Balita pa niya, natapos na niyang gawin ang isang pe­likula.

Share This Article
214 Comments