Ano kaya ang pasabog ng KathNiel?

Tempo Desk
2 Min Read
KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Last day today ng August at National Heroes Day pa. Inaabangan ang pasabog nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Intriguing ang socmed post nilang dalawa na ang caption ay: “Ang nagkakaisang damdamin, maririnig boses natin. May alaala ang kasaysayan. Abangan sa August 31.”

13kathniel instagram copy
DANIEL Padilla and Kathryn Bernardo (IG)

May kinalaman kaya ito sa retrenchment ng ABS-CBN employees? As earlier reported, nag-goodbye na sa ere ang radio at TV programs ng Kapamilya Network.

Kaabang-abang ang big happening today ng ipinasarang network.

 

NOMINATED

Speaking of Kathryn, nominated siya for Best Actress sa 43rd Gawad Urian Awards for her performance in “Hello, Love Goodbye.” First time niyang na-nominate sa naturang awardgiving body.

nadine lustre ig1
NADINE Samonte (IG)

Nominated din si Nadine Lustre for best actress sa pelikulang “Ulan.”

Last year ay siya ang nanalong best actress sa pelikulang “Never Not Love You.”

Maging mahigpit kaya ang labanan nina Kathryn at Nadine?

Sino kaya ang mas papaboran ng mga Manunuri para hiranging best actress ngayong 2020?

Malalaman ‘yan sa Gabi ng Parangal sa October na gaganapin via online sa pakikipagtulungan ng DZUP.

 

REUNITED

jennylyn dennis fb
JENNYLYN Mercado and Dennis Trillo (FB)

Muling magsasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isang upcoming project ng GMA7.

Tampok sila sa isang episode ng bagong drama anthology titled “I See You.” Kasama rin nila si Rhian Ramos.

Five years ago huling nagkatrabaho sina Dennis at Jennylyn sa teleseryeng “My Faithful Husband.”

Tatapusin muna ni Jennylyn ang “closed-group” taping ng “Descendants of the Sun” na magsisimula first week of September, at saka siya magsisimula sa reunion project nila ni Dennis.

Si Rhian naman ay naghihintay ng pasabi ng GMA management kung kailan ang baliktaping ng “Love of my Life.”

 

Share This Article
Leave a Comment