Carla at Tom: Bahay muna, bago kasal

Tempo Desk
2 Min Read
CARLA Abellana and Tom Rodriguez

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Bahay muna bago kasal ang gusto ni Carla Abellana. May nabili na silang lote ni Tom Rodriguez na pagtatayuan ng kanilang future love nest. Kung wala lang COVID-19 pandemic, baka nasimulan na ang construction nito.

Intimate church wedding ang dream ni Carla. Catholic siya, kaya gusto niyang ikasal siya sa simbahan.

Carla Abellana Tom Rodriguez
CARLA Abellana and Tom Rodriguez

Nagsasama na sa ilalim ng isang bubong sina Carla at Tom sa house ni Carla somewhere sa QC. Bago pa pinairal ang Enhanced Community Quarantine ay magkasama na sila sa iisang bahay.

 

Same-same

Magka-“live-in” din sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa house ni Jake. Siya na kaya ang “the one” for him?

Kylie-Versoza Jake-Cuenca
KYLIE Versoza and Jake Cuenca

Sa Baguio nakatira ang pamilya ni Kylie na aniya sa guesting niya sa “Chika Besh,” hosted by Pokwang, Ria Atayde and Pauleen Luna, nami-miss na niya ang pamilya niya. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga ito.

All praises si Kylie kay Jake bilang isang aktor. Nagkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN na aniya, na-pressure siya sa galing nitong umarte.

Ngayong lockdown, nag-a-acting workshop si Kylie twice or thrice a week. Isang friend ni Jake ang kanyang acting coach.

Share This Article
152 Comments