Sharon, may digital network na!

Tempo Desk
2 Min Read
SHARON Cuneta

 

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

 

Nagtayo na rin ng digital network si Sharon Cuneta na tinawag niyang The Sharon Cuneta Network. Sa isang condo-unit niya ang studio na may tatlong bedrooms.

Sharon Cuneta1
SHARON Cuneta

May ipapagawa pang bahay sina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan sa Cavite. Gusto rin niyang bilhin ang dating bahay nila sa Dasmarinas Village, Makati na ibinenta noong namatay ang kanyang daddy.

 

Birthday boy

Simpleng birthday celebration lang ang naganap sa 40th birthday ni Dingdong Dantes last Aug. 2. Sa bahay lang nila ni Marian Rivera sa Makati City kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Rakrakan party sana ang plano ni Dingdong, pero dahil sa COVID-19 pandemic ay nabulilyaso. Nagpasalamat na lang siya sa lahat ng blessings na dumating sa buhay niya, kasama si Marian at dalawang anak nila.

DANTES family
DANTES family

Pinasalamatan din ni Dingdong ang kanyang mommy sa mga sakripisyo, lakas, pagmamahal at commitment nito bilang isang ina.

And of course, ang ating Creator for making all things possible throughout these years.

Sa Aug. 12 ay birthday naman ni Marian na for sure, simple lunch or dinner lang with her family ang ganap.

 

Lucky guy

Aware kaya ang isang TV host na may anak ang kanyang present partner? May 3-year-old son ito sa previous relationship. Nasa poder ng ex-girlfriend nito ang bagets na bihira na nitong makita.

man-woman question

Since nakarelasyon ng TV host ang guy ay nag-level up na ang estado nito sa buhay. Mga branded clothes, shoes ang isinusuot ngayon ni super lucky guy at iba pang gamit nito.

Alagang-alaga ito ng TV host na super rich. Pati ang pamilya ng guy ay guminhawa na rin ang buhay.

Ayon sa tsika, binigyan ng TV host ng pangkabuhayan showcase ang pamilya ng guy. Hindi naman daw inaabuso ng mga ito ang kabaitan at pagiging generous ng TV host.

Share This Article