‘Bilangin’ balik-taping, malapit na! 

Tempo Desk
2 Min Read
NORA Aunor

 

By ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

Sa interbyu ng “Showbiz Talk Ganern” kay Direk Laurice Guillen, sinabi niyang every week ay nagmi-meeting sila ng production staff para matapos na ang script ng “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

Ito’y bilang paghahanda sa pag-re-resume ng taping ng naturang Afternoon Primetime series ng GMA7. Lock-in taping sila sa isang lugar at doon na tatapusin ang mga eksena.

NORA Aunor
NORA Aunor

May guidelines at safety protocols ang GMA Network para sa kaligtasan ng cast, production staff and crew.

Pinangungunahan nina Nora Aunor at Kyline Alcantara ang “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

 

Heartbreaking story

Action man talaga si Raffy Tulfo. Matapos ang interbyu niya kay John Regala sa kanyang programa, agad nagpadala ng kanyang staff si Raffy kay John para ipaabot ang kanyang tulong.

RAFFY Tulfo (FB)
RAFFY Tulfo (FB)

Bukod sa mga gamot at groceries, nag-pledge rin si Raffy na magbibigay siya ng P100,000.

Heartbreaking ang mga pahayag ni John na sa pautal-utal na pagsasalita’y sinabi niyang iniwan siya ng kanyang asawa dahil wala na siyang pera.

May liver cirrhosis si John na aniya, ayaw niyang ipatanggal ang tubig sa kanyang tiyan dahil gusto na niyang sumunod sa kanyang mama (former actress Ruby Regala) na namatay last January this year.

Aniya pa, ayaw na niyang magising isang umaga para hindi na siya pabigat sa lahat.

Isang aso lang ang kasama niyang nakatira sa bahay. Mahigit 100 pelikula ang nagawa niya na kumita naman daw dahil maliit lang ang budget ng mga ‘yun.

 

Share This Article