BY JUN NARDO
LUMUTANG ang buhay na Michael V sa “Chika Minute” segment ng “24 Oras” nitong nakaraang mga araw.
Eh matapos isapubliko ni Bitoy na positive siya sa COVID-19, kasunod naman nito ang paglutang sa social media na namatay na siya!
Ang masaklap pa, nag-message pa ng pangungumusta ang netizen na nagkalat ng pekeng balita.

“Hindi ko alam kung sasagutin ko siya ng ghost emoji!
“Pero thankful ako sa mga nagdasal para sa akin. Madali nga lang akong mapagod pero wala na ‘yung lagnat ko.
“Kumpleto naman ako sa isolation room ko pero haggang tanaw na lang ako sa pamilya ko!” pahayag pa ni Michael V.
Samantala, magti-taping na ng fresh ang Kapuso gag show na “Bubble Gang” pero malabo pang sumalang si Bitoy sa gag show.
***

Personal na nagregalo ng isang wheelchair si Heart Evangelista sa isang lola na na-stroke na taga-Sorsogon.
Kasalukuyang nasa Sorsogon si Heart kasama ang asawang gobernador ng probinsiya na si Chiz Escudero para mamahagi ng donasyon.
Bukod sa pagtulong, enjoy rin si Mrs. Escudero sa magagandang natawin at tourist spots sa lalawigan.
Namili rin siya ng Pinoy-made home decors sa probinsiya na mapapanood sa kanyang vlog.
27799 574627Some truly good and useful information on this website, likewise I conceive the style holds excellent functions. 595424
56238 623835Great post will be linking this on several internet sites of mine maintain up the very good function. 817992
962441 250907Glad to be one of numerous visitants on this awing internet website : D. 627703