Zoren Legaspi, direktor na ulit

Tempo Desk
2 Min Read
ZOREN Legaspi (IG)

 

BY RUEL J. MENDOZA

 

*

 

Biglang napasabak muli si Zoren Legaspi sa pagdidirek sa TV at nataon pa na ang kanyang pamilya ang ididirek niya sa mga pani­bagong episodes ng cooking talk show na “Sarap, ‘Di Ba?”

Dahil sa COVID-19 pandemic, sa Legaspi house ki­nunan ang mga episodes nila Car­mina Villarroel, at ng kambal na sina Mavy and Cassy Legaspi. Kaya ang title na ng show ay “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.”

 

LEGASPI family: Zoren, Cassy, Carmina, and Mavy (IG)
LEGASPI family: Zoren, Cassy, Carmina, and Mavy (IG)

 

Inamin ni Zoren na malak­ing challenge ang idirek ang kanyang misis na si Carmina samantalang madali lang idirek ang kanyang kambal.

“Mas mahirap ito kaysa i-direct si Robert de Niro. Ma­hirap i-direct si honey. Sina Mavy at Cassy kasi, syempre they know me as tatay, so it’s very normal na ang approach nila sa ’kin ay kaibigan,” sey ni Zoren na nadirek na si Car­mina sa pelikulang “Shake, Rattle & Roll 12” noong 2010 sa episode na “Mamanyiika.”

Kung matatandaan ay sa GMA-7 nabigyan ng break si Zoren na maging TV director.

Dinirek niya ang action-fantasy series na “Fantas­tikids” noong 2006 kung saan bida sina Isabella de Leon, BJ Forbes at ang yuma­ong si Marky Cielo.

Naging director din siya ni Mark Herras sa pinag­bidahan nitong TV series na “Fantastic Man” noong 2007.

Na-involve daw ang lahat ng nasa bahay nila sa pag-shoot ng episode ng “Sarap, Di Ba?” Si Mavy ang nag­ing assistant direc­tor ni Zoren samantalang sina Carmina, Cassy at ilang household helpers nila ang nag-asikaso ng teleprompter at ilaw.

Share This Article