Heart, may home decor line na

Tempo Desk
1 Min Read
HEART Evangelista (IG)

 

BY RUEL J. MENDOZA

 

*

 

HEART Evangelista (IG)
HEART Evangelista (IG)

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Heart Evangelista-Escudero bukod sa pagtulong sa maraming nangangailangan ay ang kanyang upcoming home décor line na ang pangalan ay Maison Love Marie. ibibida rito ng Queen of Creative Collabora­tions ang handcrafted products mula sa Sorsogon.

Sa Instagram account nga ni Heart ay naka-post ang mga magagandang produkto ng Sorsogon na puwedeng gawing decor sa bahay.

Paraan ito ni Heart para ma-promote ang mga magaganda at matitibay na indigenous products ng Sorsogon na taglay ang sarili niyang artwork.

Bukod din sa mga damit, bags, at gadgets tulad ng pow­erbank, makikita ngayon ang artwork ni Heart sa wearable air purifiers.

Ibinalita ito ni Heart sa kan­yang IG account kalakip ang kanyang larawan na suot ang personal air purifier na mabibili online.

Share This Article
4 Comments