‘All-Out Sundays’ balik-ere na

Tempo Desk
2 Min Read
'ALL-Out Sundays' cast

 

BY ROWENA AGILADA

 

*timing tmg tg

 

Simula ngayong Linggo, balik-ere na ang “All-Out Sundays: The Stay Home Party.” Mapapa­nood na uli ito sa GMA-7 pero sa bagong timeslot na 12:45 p.m., at gayun din sa socmed accounts ng Kapuso Network.

Abangan ang performances ng AOS cast mula sa kanilang mga tahanan. Tutok lang sa iba’t ibang segments. Launching din ng debut single ni Bianca Umali na “Kahit Kailan” with Mikee Quintos and Rodjun Cruz.

 

'ALL-Out Sundays' cast
‘ALL-Out Sundays’ cast

 

Seventeen weeks napanood ang AOS sa Facebook at YouTube channel ng GMA-7 since pinairal ang community quarantine.

Wala pang an­nouncement kung kailan magla-live show ang AOS sa studio.

 

SAFE

MAX Collins (IG)
MAX Collins (IG)

Pinatunayan ni Max Collins na safe ang wa­ter birthing. Ipi­nanganak niya ang first baby nila ni Pancho Magno sa isang inflatable pool sa bahay nila last July 6. Kita agad ang kaguwapuhan ng baby boy na pinangalanan nilang Skye Anakin. Hango sa pangalan ng “Star Wars” character na si Anakin Skywalker na ginampan­an ng Canadian actor na si Hayden Christensen. Big fans sina Pancho at Max ng “Star Wars.”

Isang registered nurse si Pancho at nag-assist siya sa pangan­ganak ni Max. Siya rin ang pumutol ng um­bilical cord ng baby.

Mas lalong mina­hal at hinangaan ni Pancho ang kanyang wife dahil sa tapang nito. “No medications, no tear,” he said.

Maraming celebrities ang hu­manga kay Max. Hindi kaya gayahin din siya ng ilang pregnant celebri­ties na manganak din through water birthing?

Share This Article