Hindi pwede!

Tempo Desk
2 Min Read
JOYCE Bernal (IG)

 

BY JUN NARDO

 

*FRST first timer JUN NARDO

 

TINANGGIHAN din ng munisi­palidad ng Banaue sa Ifugao prov­ince ang request ng Malacañang production crew kasama si direk Joyce Bernal upang mag-shoot ng videos para sa coming State-of-the-Nation Address (SoNA) ni President Rodrigo Duterte!

Unang tumanggi sa team ni Bernal para sa video shoot ang Sagada LGU.

JOYCE Bernal (IG)
JOYCE Bernal (IG)

Kasama daw ng grupo si Piolo Pas­cual na binabakba­kan ngayon dahil sa pagsuporta umano kay President Duterte.

Nirespeto naman ng produc­tion team ang desisyon ng Banaue government.

*

BACK TO BACK ang handog nina Mike Enriquez at Vicky Mo­rales ngayong Sabado, Hulyo 11.

Magbabalik-ere na ang pro­grama ni Vicky na “Wish Ko Lang” habang si Mike ay may handog na special sa show niyang “Imb­estigador” na “COVID-19: Special Investigative Reports.”

VICKY Morales and Mike Enriquez (FB)
VICKY Morales and Mike Enriquez (FB)

Napapanahon ang pagbabalik ng show ni Vicky na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa na higit nating kailangan ngayong panahon ng pandemya.

May bagong theme song itong maririnig mula sa duet nina Aicelle Santos at Maricris Gar­cia.

Sa part 1 ng COVID special ni Mike, ang isyu sa transportasyon ang kanyang tinutukan mata­pos itong buksan matapos ang lockdown.

Share This Article
1 Comment