Pekeng Alden Richards at Allan K

Tempo Desk
2 Min Read
ALLAN K and Alden Richards

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

PATULOY ang pag-arang­kada ng mga namemeke sa social media, huh!

Todo-arya pa rin sila sa paggamit ng mukha at pangalan ng mga kilalang artista sa pagbuo ng mga pekeng social media ac­counts!

Ang latest victim? Si Alden Richards!

Yes, may pekeng Alden Richards sa Instagram.

Ito nga at agad nagba­bala ang Asia’s Multimedia Star sa kanyang Instagram stories at pinaalam sa kanyang followers na fake ang account na ‘yun.

ALLAN K and Alden Richards
ALLAN K and Alden Richards

Anyway, habang wala pang tapings, ang pagkakaroon ng live game streaming ang pinag­kakaabalahan ni Alden para makapag-interact sa kanyang mga fans.

Ang isa pang celeb na pineke sa social media ay si Allan K.

Yes, may pekeng Allan K sa Facebook naman.

Sinabihan na ni Allan ang fol­lowers na tanging sa Instagram lamang siya may account.

 

NAGPAKITA NA!

Super Tekla
SUPER Tekla (IG)

Umapir na si Super Tekla sa “Tutok to Win sa Wowowin” ni Willie Revillame.

Personal na humingi siya ng apology sa TV host at niliwanag ang pagkakawala niya sa “Wowowin” as co-host noon.

Naging daan sa pagha­harap ng dalawa ang mis­mong nagrekomenda sa kanya sa “Wowowin” na si Donita Nose.

Tinanggap naman ni Willie ang sorry ng komedyante at nangakong magbibigay ng tu­long sa anak nito.

Share This Article