Jon Lucas, magaling na!

Tempo Desk
2 Min Read
JON Lucas (IG)

 

BY DANTE LAGANA

 

*

 

JON Lucas (IG)
JON Lucas (IG)

KABILANG sa mga tinamaan ng COVID-19 ang Kapuso ak­tor na si Jon Lucas.

Tatlong araw nga daw siya na-confine sa New Era Gener­al Hospital (NEGH). Ito naman ay dahil na-diagnose siya na “29 days onwards recovery.”

“Parang papagaling na yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya,” kuwento ng poging binata.

Kahit tinamaan ng mapa­muksang virus, hindi nagpa­tinag si Jon. Laking pasalamat nga daw niya sa mga ministro na bumisita sa ospital dahil pinagtibay ngg mga ito ang kanyang pananampalataya kay Kristo.

“Di ba pag nanonood ka sa social media talagang matat­akot ka? Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito. Pero doon sa NEGH bago ka pa man din maadmit, paulit-ulit ng ipapaunawa sa’yo ng mga ministro na nandon, ang paulit ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na ‘Huwag kang matakot.’ Kahit yan lang daw baunin mo sa araw araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa.”

Naniniwala si Jon na pina­galing siya ng kanyang pa­nanampalataya.

“Di ba naririnig nating la­hat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient? Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga doctor don at mga nurses (doon) kundi dahil pinangha­hawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.”

Diin niya, “Hindi vitamins ang nagpagaling sa amin! Kundi ang Panginoong Diyos na pinakamapangyarihan sa lahat!”

Share This Article