Kim Domingo, may gustong gayahin

Tempo Desk
1 Min Read
KIM Domingo (FB)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

KIM Domingo (FB)
KIM Domingo (FB)

ROLE model pala ng Kapuso actress na si Kim Domingo ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose.

Mula sa pagig­ing bold actress ay naiba ni Ja­clyn ang image nito hanggang sa makilala sa husay nitong umarte.

Unti-unti ring iniiwan na ni Kim ang sexy image nito dahil gusto niyang makilala balang-araw bilang mahusay na aktres.

“Isa siya sa mga taong tiniting­nan ko na balang-araw maging gano’n ako.

“Hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos ‘yung pa­nanamit ko, hindi na rin ako masy­ado nagsusuot ng mga revealing clothes.”

Dagdag pa niya, “It’s never too late, ‘di ba? Gusto ko ring maging good role model sa maram­ing kabataan. At siyempre, mak­ilala ako sa puwede kong ipakita sa pag-arte at hindi lang yung katawan ko ang nakikita nila.”

Share This Article