Andrea Torres, buntis?

Tempo Desk
2 Min Read
ANDREA Torres (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

 

USAP-usapang diumano’y pag­dadalantao ni Andrea Torres.

Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng ilan na palaging naka-black outfit ang dalaga sa mga photos nito. Para nga daw may itinatago.

Siyempre pa, itinanggi ito ni Andrea.

In any case, ang latest tsika naman diumano’y nagli-live-in na si Andrea at boyfriend nitong si Derek Ramsay.

ANDREA Torres (FB)
ANDREA Torres (FB)

Ito ay dahil parati daw itong present kapag may okasyon ang pamilya Ramsay.

Kahit daw sa pamamasyal ng pamilya, ka-join din si Andrea.

Baka naman gusto lang ni Derek na parating kasama ang girlfriend?

 

UNFAIR!

HARLENE Bautista (FB)
HARLENE Bautista (FB)

Walang nang-bash kay Harlene Bautista noong aminin niyang may bagong nagpapasaya ng puso niya matapos silang maghi­walay ni Romnick Sarmenta.

Pero nang si Romnick naman ang umamin na may bago na rin siyang karelasyon, walang iba kundi ang indie film actress na si Barbara Ruaro, umani ito ng batikos.

Hindi matanggap ng ibang netizens na masaya na rin ang estranged husband ni Harlene.

Pero ayon sa supporters ni Romnick, unfair na binabatikos sila ni Barbara, samantalang wala kina Harlene at sa bago niyang pag-ibig.

Ani Romnick, huwag na lang magsalita (bashers) kung wala namang alam sa katotohanan.

 

ISASARA NA

ALLAN K (FB)
ALLAN K (FB)

Tuluyan nang isasara ni Allan K ang comedy bars niyang Klownz at Zirkoh. Ipinaalam na niya ito sa kanyang mga empleyado.

Nagdesisyon si Allan na isara ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Malaki na daw ang nalugi ni­ya at walang katiyakan kung kailan babalik sa normal na sit­wasyon ang ating bansa.

Share This Article