Monching, ayaw na mag-asawa

Tempo Desk
2 Min Read
RAMON Christopher Gutierrez

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

MUST be na one great love ni Ramon Christopher Gutierrez ang ex-wife niyang si Lotlot de Leon. After their separation, walang ibang babaeng na-link kay Monching.

Si Lotlot ay nakapag-asawa muli, ang foreigner na si Fadi El Soury. Ikinasal sila noong De­cember 2018.

RAMON Christopher Gutierrez
RAMON Christopher Gutierrez

Sa YouTube vlog ni Janine Gutierrez, sinabi ni Monching sa kanyang anak na wala na siyang balak mag-asawa muli. Sanay na raw siya sa pagiging single at masaya na siya sa mga anak niya. Si Janine ang panganay sa apat na anak ni Monching kay Lotlot.

Kahit hiwalay na sina Lotlot at Monching at nagsosolo na ring manirahan si Janine sa isang condo unit at nanana­tiling close siya sa kanyang Papa Monching. Daddy’s girl si Janine na basta kailangan niya ang tulong nito’y ‘andu’n agad ito.

 

NINONG

ALDEN Richards (FB)
ALDEN Richards (FB)

Hindi lang Best Man si Al­den Richards sa kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina last December kundi magiging magkumpare na rin sila.

Isa si Alden sa mga magiging ninong sa binyag ng panganay ng mag-asawa.

Baby boy ang ipinagbubuntis ni Dianne. Ang iba pang godpar­ents ay sina Kristoffer Martin, Bianca Umali, Bea Binene at ang mga kapatid ni Rodjun na sina Rayver at Omar. Baka kukuha pa sila ng ibang ninong at ninang na Kapamilya stars at relatives nila.

Samantala, back to work na si Alden. Nag-shoot siya ng commer­cial para sa isang product endorsement kasama ang isang female celeb­rity.

Napapanood na rin si Alden sa “Eat Bulaga.”

Waiting naman siya kung kailan sila mag-re-resume ng taping ng “Centerstage” na siya ang host.

 

AYAW?

NADINE Lustre (IG)
NADINE Lustre (IG)

Kasama sana si Na­dine Lustre sa upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang “Burado” na papalit sa “Love Thy Woman.” Isa siya sa mga bida, pero nag-backout si Nadine.

Ayon sa tsika, diumano’y ayaw niya ng lock-in taping.

Share This Article