‘Eat Bulaga’ Dabarkads, suwerte!

Tempo Desk
2 Min Read
'EAT Bulaga' hosts Jose Manalo, Alden Richards, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, and Maine Mendoza. (FB)

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

NABIYAYAAN ng P20,000 each ang pitong jeepney driv­ers na swerteng masali sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga!” kamakailan.

Ilan sa kanila ay mahigit labinlimang taon nang nag­mamaneho ng jeepney pero natigil sila sa pagpapasada dahil sa coronavirus.

Isa sa kanila ay dumating sa puntong namalimos na sa kalye para pantawid-gutom dahil nga sa binawalan sil­ang mamasada habang may pandemiya.

'EAT Bulaga' hosts Jose Manalo, Alden Richards, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, and Maine Mendoza. (FB)
‘EAT Bulaga’ hosts Jose Manalo, Alden Richards, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, and Maine Mendoza. (FB)

Ang isa naman ay nagtinda na ng isda.

Ang isa pa ay magaling dahil napagtapos nito ang isang anak ng engineering at lisensyado na ito sa ngayon, huh!

Ang mga driver ay ang bagong recipients ng “Kabu­hayan ni Juan” para maka­pagsimulang muli dahil wala pang kasiguraduhan kung kailan sila makakapasadang muli.

 

LOYAL!

DINGDONG Dantes (FB)
DINGDONG Dantes (FB)

Mahigit 20 years nang Ka­puso si Dingdong Dantes.

Halos mahigit kalahati ng buong buhay ni Dong ay Ka­puso siya.

Markado na sa buhay niya ang pagiging isang Kapuso.

Deklara ni Dingdong, “La­hat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Ka­puso ko.

“And not to mention, pati ‘yung asawa ko, na sa Kapuso network ko nakilala. Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso!”

Share This Article
Leave a Comment