Sheena Halili, magiging nanay na

Tempo Desk
1 Min Read
SHEENA Halili (IG)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

SHEENA Halili
SHEENA Halili

MASAYANG ibinalita kama­kailan ng Kapuso actress na si Sheena Halili na siya ay nagdadalang-tao.

Ayon sa aktres, isang bu­wan matapos silang ikasal ng asawa na si Jeron Manzanero noong February ay agad si­yang nabuntis.

“After a month naming ki­nasal, nagka-baby kami agad. Nagulat nga kami kasi siyem­pre hindi natuloy ‘yung hon­eymoon namin. May bless­ing agad si Lord after nu’ng kasal,” ngiti ni Sheena.

At dahil sa patuloy ang pak­ikipaglaban natin sa COVID-19 pandemic, hindi maiwasan ni Sheena na maging emo­tional dahil iniisip niya ang kapakanan at kinabukasan ng kanyang anak.

“Siyempre, hindi mo rin talaga maiwasan mag-worry, iba kasi talaga. Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin pero ngayon talagang may baby, sobra talagang mas naging protective kami,” emote ni Sheena na hindi raw lalabas unless importante tulad sa pagbisita sa kanyang doktor.

Share This Article
2 Comments