Edu Manzano, handa maging lolo

Tempo Desk
2 Min Read
EDU Manzano (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

HINDI nagulat si Edu Manzano sa ginawang solo protest ng anak niyang si Enzo sa harapan ng Philippine Consulate sa New York kung saan nagpahayag ito ng saloobin hinggil sa ilang mga isyu sa sariling bansa.

Sa panayam ng “Showbiz Talk Ganern,” sinabi ni Edu na hindi ipinaalam sa kanya ni Enzo ang ginawa nito.

Pero si Enzo daw, kapag may gustong gawin o ipahayag, ginagawa at pinanin­indigan nito.

Ani Doods, gano’n niya talaga pinalaki ang mga anak niya (Luis, Enzo at Addi).

Parehong nasa abroad sina Enzo at Addi.

Nagkausap ang mag-a-ama noong nakaraang Father’s Day via Zoom.

EDU Manzano (IG)
EDU Manzano (IG)

Guests ang mga ito sa pilot episode ng online talk show ni Edu na “Good Vibes!”

Nabanggit din ni Edu sa same interview na handa na siyang maging lolo.

Pero ayaw niyang pangu­nahan kung anuman ang plano ng panganay niyang si Luis at girlfriend nitong si Jessy Men­diola.

Never siyang nakialam sa lovelife ng mga anak. Nakasuporta lang daw siya, ani Edu.

 

KALADKARIN

Wala pang COVID-19 at bago pinairal ang community quar­antine ay mahilig lum­abas ng bahay si Edu.

Kaladkarin nga daw siya.

Aminado siyang nanibago siya sa first two weeks ng com­munity quarantine dahil hindi siya sanay na nasa bahay lang.

Aniya, dahil sa lockdown, natuto siyang maging pasen­siyoso, mapagpakumbaba at pahalagahan ang kaligtasan ng mga kasama niya sa bahay.

May house rules siyang pinai­iral sa ngayon: dapat ay parating may alcohol, sanitizer, parating malinis ang bahay at iba pang safety measures.

Share This Article
Leave a Comment