Megastar Sharon, sumabog!

Tempo Desk
2 Min Read
SHARON Cuneta (FB)

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

UMAKSYON agad si Sha­ron Cuneta laban sa taong nagsabing kung bata-bata lang siya ay gagahasain niya si Frankie Pangilinan, pan­ganay na anak ni Shawie kay Senator Kiko Pangilinan.

Nakipag-ugnayan agad ang Megastar kay Secretary Menardo Guevarra ng De­partment of Justice (DoJ) upang magsampa ng reklamo da­hil sa offending statement na ito na inilathala pa sa Facebook.

Bukod sa pakikipag-ugnay sa DoJ Secretary, nakakuha na rin ng lead ang Megastar hinggil sa kinaroroonan ng salarin maging ang employer nito.

Iba magalit si Shawie, huh!

SHARON Cuneta (FB)
SHARON Cuneta (FB)

Pero kahit umaapoy sa galit, nakuha pa ni Mega na magpaka-sweet at binig­yang-pugay pa rin niya ang asawang si Kiko nu’ng Fa­ther’s Day last Sunday.

Para kay Shawie, ang sweetheart niya ay, “truly one of the best Daddies I have ever known in my life.”

“I am so proud to be your wife and the mother of your children. Thank you for lov­ing me, Tina, Kakie, Yellie, Miguel and all our doggies. We love you so much!”

 

MAY BAGO

Abangan ang sanib-puwersang pasabog nina Mi­chael V, Heart Evangelista at Dingdong Dantes ngayong June 26 sa “Wowowin!”

Marami ang nain­triga sa 15-seconds na video ng tatlo na hinihikayat ang manonood para sa mas makulay at mas malinaw na panoorin!

Naku, abangers at tutok nang mal­aman ang paandar na ito nina Bitoy, Heart at Dong, huh!

Share This Article