Lauren Young, hinipuan

Tempo Desk
2 Min Read
LAUREN Young (IG)

 

BY ROWENA AGILADA

 

*

 

timing tmg tg

NAIKUWENTO ni Lauren Young sa “Showbiz Talk Gan­ern” kung paano siya naging biktima ng pambabastos noon sa Boracay.

Aniya, nasa isang bar-res­taurant siya kasama ang ilang kaibigan nang may lumapit sa kanyang isang lalaking lasing.

Maayos naman daw siya na­kipag-usap sa lalaki nguni’t bigla raw nito hinipo ang kanyang dibdib.

Agad niyang kinausap ang owner ng lugar na paalisin ang lalaki.

Nagbigay din ng opinion si Lauren tungkol sa rape culture at victim blaming sa parehong panayam. Aniya, hindi raw dapat sisihin ang mga babaeng nag­susuot ng re­vealing outfits upang made­monyo ang mga rapists. Aniya, dapat ay ma-edu­cate ang mga manyak na ito sa pag-respe­to sa mga kababaihan ka­hit ano pa ang suot nito.

 

TANGGAP

LAUREN Young (IG)
LAUREN Young (IG)

Sa same na interbyu sinabi rin ni Lauren na tanggap na niya ang itsura niya.

Hindi siya apektado sa mga bodyshamers na tinutukso siyang mataba.

Aniya, wala siyang pakialam sa mga opinyon ng iba.

 

ITINANGGI

Samantala, itinanggi ni Lauren na buntis ang sister niyang si Megan.

Nagsimula ang tsismis sa isang video post kung saan napansin ng mga netizens na tipong wala sa mood si Me­gan. Duda nila buntis ito.

Share This Article
Leave a Comment