Romnick-Sheryl fans, naunsyami

Tempo Desk
2 Min Read
ROMNICK Sarmenta and Sheryl Cruz (FB)

By ROWENA AGILADA

 

*

timing tmg tg

 

DISAPPOINTED ang fans nina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz na umasang magkakabalikan ang former reel and real love team.

Nagkasama ang dalawa sa reunion ng former “That’s Entertainment” love teams sa isang online jamming na ginanap kamakailan.

Kabilang sa mga lumahok dito sina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Keempee de Leon, Tina Paner at Ramon Christopher Gutierrez.

“Taken” na pala si Romnick na inilantad na ang bagong love of his life na si Barbara Ruaro. Isa itong actress-singer-writer director.

ROMNICK Sarmenta and Sheryl Cruz (FB)
ROMNICK Sarmenta and Sheryl Cruz (FB)

Ang dami nang naisulat na poems ni Romnick sa socmed para kay Barbara. Nakiusap si Romnick sa fans na irespeto ang desisyon niya.

Ang estranged wife niyang si Harlene Bautista ay may bago na ring love of her life. Dating kasama nila ito sa “That’s Entertainment.”

Ongoing ang annulment case ng estranged couple na naghiwalay in 2018. Nineteen years sila nagsama na biniyayaan sila ng limang anak.

Si Sheryl naman ay single na nali-link kay Jeric Gonzalez na costar niya sa “Magkaagaw” ng GMA Afternoon Prime.

 

NAGDIWANG

DEREK Ramsay and Andrea Torres
DEREK Ramsay and Andrea Torres

Nag-celebrate ng kanilang first anniversary sina Derek Ramsay at Andrea Torres this June. May daw ang totoong anniversary nila, pero dahil sa lockdown, June sila nag-celebrate.

We remember na June 27 last year ang presscon ng “The Better Woman” pinagsamahan nina Derek at Andrea.

Kung May ang anniversary nila, ibig bang sabihin, bago pa i-ere ang unang teleserye nila’y may relasyon na sila?

 

Share This Article