Angel Locsin may DOM benefactor?

Tempo Desk
2 Min Read
ANGEL Locsin (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

*

timing tmg tg

 

 

MAY bagong intriga na na­man kay Angel Locsin. In­aakusahan ito na diumano, may DOM (Dirty Old Man) na benefactor. Dahilan nga daw kung bakit marami itong pondo pang-ayuda sa mga nangangailangan sa gitna ng iba’t-ibang krisis.

Wow! Tumutulong na, ini­intriga pa!

ANGEL Locsin (FB)
ANGEL Locsin (FB)

Kamakailan inamin ni An­gel na narinig na nga daw niya ang tsismis na ito.

Hindi lang daw iyon, may paratang pang supporter siya ng New People’s Army (NPA).

Another intriga pa is her supposed plan to enter poli­tics.

Mariing itinanggi ni Angel ang lahat ng akusasyon.

So there!

 

TAHIMIK LANG

Nora Aunor
NORA Aunor

Tumutulong din ang nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemic.

Hindi lang talaga hilig ni Guy ang ipangalandakan ang pagiging Good Samaritan niya.

Ang totoo, iba’t-ibang baran­gays na ang napadalhan niya ng food packs.

Binigyan pa nga nito ng finan­cial assistance ang mga katra­baho sa “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

Natengga kasi ang taping nila at walang natatanggap na tal­ent fee ang co-stars niya at ang production staff.

Nitong huli nman, nag­padala si La Aunor ng food packs para sa mga stranded OFW’s sa Villamor Air Base, Villamor Elementary School at sa Baclaran.

Ang die-hard Noranians ay sumali rin. Ginaya ang idolo at namahagi rin ng food packs.

Noong sumabog ang bul­kang Taal, nagpadala rin ng tulong si La Aunor.

O, who says wala siyang ginagawa?

 

HAPPY HEART

KC Concepcion (IG)
KC Concepcion (IG)

May bagong nagpapakilig kay KC Concepcion. Pero ayaw pa niyang i-reveal ang identity ng kanyang bagong inspirasyon.

Aniya, sasabihin niya sa ta­mang panahon.

Nakaanim nang boyfriends si KC kasama na sina Rico Blanco, Lino Cayetano, Piolo Pascual, Paulo Avelino, Aly Borromeo at Pierre Emmanuel Plassart.

Share This Article