Janine Gutier­rez sumama sa kilos-protesta

Tempo Desk
1 Min Read
JANINE Gutierrez (FB)

BY ROWENA AGILADA

*

timing tmg tg

 

NAKIISA si Janine Gutier­rez sa “Grand Mañanita” ng mga nag-protesta para iba­sura ang Anti-Terrorism Bill. Muntik na ngang hindi siya papasukin sa UP Diliman, QC kung saan ginanap ang event in line sa celebration ng Inde­pendence Day.

Sobrang higpit ng mga nag­babantay sa gate ng naturang university. Thankful ang Ka­puso actress na pinayagan din siyang makapasok.

JANINE Gutierrez (FB)
JANINE Gutierrez (FB)

Tulad ng ibang artista, tutol si Janine sa Anti-Terrorism Bill.

Pirma na lang ni President Rodrigo Duterte ang kailan­gan para maisabatas ito.

Sa socmed ay nagpahayag si Janine ng kanyang saloobin hinggil dito. Nag-research siya para hindi siya ma-bash ng netizens.

Kung anong tapang ni Ja­nine sa pagpapahayag ng kanyang saloobin sa mga political issues, tahimik lang ang boyfriend niyang si Ray­ver Cruz.

 

THREAT

SUNSHINE Guimary (FB)
SUNSHINE Guimary (FB)

Threat ba kay Ivana Alawi ang rising sexy star from Cebu na si Sunshine Guimary?

Palaban ang bagong con­tract star ng Viva Films.

Walang kiyeme si Sunshine sa paghuhubad.

Tambad ang kanyang karik­tan sa kanyang Instagram.

Sa YouTube naman, may “No Bra Series” ito.

Tapatan kaya ni Ivana?

Share This Article
4 Comments