Migo Adecer, umeskapo!

Tempo Desk
1 Min Read
MIGO Adecer (IG)

 

BY RUEL MENDOZA

 

*

 

MIGO Adecer (IG)
MIGO Adecer (IG)

SA Hong Kong pala nag-spend ng quarantine ang Kapuso hunk na si Migo Adecer.

Isang araw kasi bago mag­simula ang ECQ sa buong Luzon ay nakapag-book ito ng flight patungong Hong Kong.

Kasama niya sa biyahe ang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado.

Mag-isa lang sa Pilipinas ang binata. Nasa Australia ang kan­yang buong pamilya.

Nag-aalala rin si Migo sa kala­gayan ng kanyang pamilya roon kaya madalas daw silang mag-usap gamit ang video call.

“I’ve been away from my par­ents matagal na but I guess when it comes to stressful situ­ations like this, I miss them a little bit more.

“Thank God nandito tayo sa generation na may apps na tayo that we can keep in touch with our family, so I give them a call.”

Mapapanood si Migo kasama sina Barbie Forteza, Kate Valdez, at Benedict Cua sa masasaya at relatable vlogs tuwing Lunes, sa official social media pages ng GMA Network.

Share This Article