Joshua-Janella project naudlot

Tempo Desk
2 Min Read
JOSHUA Garcia and Janella Salvador (FB)

 

BY ROWENA AGILADA

timing tmg tg

 

*

 

MAY follow-up project sana sina Joshua Garcia at Janella Salvador after “The Killer Bride” pero naudlot ito.

JOSHUA Garcia and Janella Salvador (FB)
JOSHUA Garcia and Janella Salvador (FB)

Inisip na lang ni Joshua na hindi talaga para sa ka­nila ni Janella ang project. Baka daw may iba pang mas magandang proyektong na­kalaan para sa kanila.

Three months nang hindi lumalabas ng bahay si Josh­ua dahil sa quarantine.

Sa ngayon ay naka-focus lang siya sa sarili. He has more time for himself at na-realize ni Joshua na kailan­gan niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan.

Dati ay wala siyang paki­alam. Work lang siya nang work. Hindi rin siya umiinom ng vitamins. Ngayon alam na niya kung gaano kaimpor­tante ang kalusugan.

 

MATAPANG

JANINE Gutierrez and Pilita Corales (FB)
JANINE Gutierrez and Pilita Corales (FB)

Pagalitan kaya ni Pilita Corrales ang apo niyang si Janine Gutierrez dahil sa patutsada nito kay Con­gresswoman Vilma Santos-Recto kaugnay ng pahayag nito sa Anti-Terror Bill?

Napagalitan na noon ni Pil­ita ang apo nang mag-com­ment ito ng hindi maganda sa pagbabalik-TV ni Senator Bong Revilla.

Ipinagtanggol si Janine ng kanyang Mommy Lotlot de Leon to the point na nagpakawala pa ito ng mga salita laban kay Pilita.

Buti na lang, hindi na pi­nalaki ni Pilita ang isyu.

In any case, obvious na matapang si Janine sa pa­ghayag ng saloobin.

Share This Article